Pages

Friday, November 25, 2011

Ang Kakaibang... Tula?

Matagal-tagal na rin na hindi ako nakapagsulat ng mga desenteng kwento, tula at kung anu-ano pang sulatin na maisip gawin. Sa mga notebook na self-literature (na nauwi bilang scratch notebooks XD) ay nakita ko ang mga... well, kabulastugan, ka-emohan at iba pa na nakasulat. Ito ang isa at malamang walang kahulugan:

Thinking, thinking
Anong isusulat mo?
Isang tula na gagawin
Free-writting kung baga
Eh bakit Taglish?
Kaya nga free-writting eh
You can write freely
Disregarding the language that you use
May mga bagay na mahirap i-Ingles
And there are many things that can't be said in Filipino
Kumbaga bilingual
Isn't it informal?
Yes, impormal nga
I'm not a decent writer
Kaya ganito sulat ko
May isusulat ka pa ba?
Thinking, thinking
May naiisip ka pa ba?
I don't know
Anong masasabi mo sa sarili mo?
Random person
Bakit mo nasabi yun?
Kasi mahirap gamitin ang isang lenggwahe all day long
Anong connect?
Wala lang, 'coz I can't stick to one language only
Eh anong topic ng tulang ito?
I don't know
Bakit mo pala sinulat ito?
Kasi wala akong maisip, so yeah.

Hindi ko alam kung tula ito o ano. Basta share ko lang. XD

Sunday, November 20, 2011

Bumalik na si Fifi

Wala lang. Napanood ko noong isang gabi sa PBB Unlinight tungkol sa pagkawala ni Fifi (well, minsan lang ako makapanood ng TV dahil mas madalas akong tutok sa computer XD). At dahil sa may pagka-corny ang takbo ng utak ko, ginawan ko pa ng comic. Oo, malakas ako mang-trip pagdating sa comics kaya pasenya na. Huwag niyo na tanungin kung bakit sina Rachel, Platinum at Carl ang nasa comic.

At tungkol naman kay Fifi, well may nakahanap na daw sa kanya. Paano kaya nila nakuha yun kung nasa kalangitan na? Lupet, noh?

Friday, November 18, 2011

Panibagong Blog sa Naiibang Tema

Oo. Ginawa ko itong pangalawang blog para dito ko maisambit ang aking mga hinanaing, opinyon, balita at kung anu-ano pa sa wikang Filipino. Well, pwede naman ako mag-Taglish. XD

Dito sa blog na ito, maaari akong maglagay ng mga kasabihan ko at pati mula sa ibang tao na aking natitipuhan o maaaring magamit sa tunay na buhay. Dito rin ay baka mag-post ako ng mga comics at mga grapikal na gawa na ang ginagamit na lenggwahe ay Filipino. Matagal ko nang naisip ito ngunit alam ko na maraming mamamayan ng ibang bansa ang hindi makakaintindi nito. So... ang blog na ito ay bukas para sa mga Pilipino at mga taong marunong mag-Tagalog.

Pasenysa na kung hindi ko maisasaling-wika ang lahat ng nakalagay dito. Mahirap i-translate eh. XD